BALITANG NASYONAL

Bilang ng mga nasawi sa Bagyong Ompong, umabot na sa 74
Bryan Andil, Ang Aplaya
    
Photo by: Athena Ashley Bordones
     Umabot na sa 74 ang mga taong namatay sa pagsalanta ng Bagyong Ompong ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Martes, Setyembre 18, 2018.


     Ayon sa PNP, 55 katao pa ang nawawala habang 74 naman ang sugatan. Sa 55 na nawawala, 52 anag nasa CAR, dahil umano sa landslide.



     Ang mga Pulis mula sa Special Action Force (SAF) ay tumulong na rin sa paghahanap sa taong nawawala dahil sa landslide doon sa Iligan, Benguet, ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde noong Lunes, Setyembre 17.



     Hinaluga naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigit sa 800, 000 na residente ang naapektohan ng Bagyong Ompong. Ang mga lokal na opisyal ay nagdeklara ng state of calamity sa mga lugar na kung saan nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyo.

Comments