Pagtahi sa Butas na Bulsa
Pauline Calantas, Ang Aplaya
Source by: Google |
Isa sa problema ng Pilipinas ang pag budget ng income na pumapasok sa kanila tuwing araw ng sahod. Ang financial Literacy ay isang gabay o stratehiya na kung paano gamitin ng wasto ang income na natatanggap ng bawat empleyado. Ayon sa nagawang survey ng Worldwide Financial Literacy Index, ang Pilipinas ay ikaw 68 na ranko at nasabi ng Asian Development Bank na ang Pilipinas ay walang pambasang diskarte pag dating sa pinansyal na edukasyon.
Kadalasan sa mga Pinoy ay puro hirap sa pag babadyet ng pera
para sa araw araw na pangangailangan. Kadalasan, nasisira ang badyet plan dahil
sa mga hindi inaasahang gastusin kagaya ng mga aksidente bayarin at iba
pa.Anong paraan ang gagamitin upang mapanatiling balanse ang paggasta at
makatipid sa bawat ipon na gagawa lalo lalo na ngayon na pataas na pataas na
ang presyo ng mga bilihin.
Samakatuwid, totoo namang mas madaling sabihin kaysa gawin
ang pagkontrol sa paggastos sapagkat kung ang pinaguusapan ang ay pagiging
pratikal sa buhay kahit mahirap gawin ay gagawin na lamang para sa ipon at
magamit para sa hinaharap. Pagiging pratikal sa mga panahong ngayon ang ugaling
nababagay gamitin sapagkat lalo na ngayon na tumataas na ang mga presyo ng mga
bilihin mapa palengke man o grocery store.
Gayunpaman, ang pagbabadyet ay pagbalanse lamang ng mga
gastusin kakabit ng iyong kinikita. Kung hindi magbabalanse ang dalawang ito ay
mas malaki ang ginagastos mo kaysa sa kinikita mo at posible magkaroon
problema. Sa karagdagan ay tinitiyak na kung may badyet ka ay magkakaroon ka ng
sapat para sa mga bagay na kailangan mo at kung may sobra pagkakataon ka ng maglaan para mabili ang
ninanais ng iyong kaligayahan.
Maging tapat sa ginawang plano sa pagbadyet dahil ikaw din
naman ang mahihirapan sa hinaharap kung patuloy mong bawasan ang pera nakalaan
para sa ibang bagay na nakabadyet na. Isaayos ang sarili para sa sariling
tagumpay sa hinaharap. Subaybayan ang pag unlad ng iyong ginagawa at dito mo
rin mahahanap ang sagot kung maganda ang kinalabasan ay pagpapatuloy mo
parehong proseso. Kung tutuusin saiyo din naman pupunta ang lahat ng benepisyo
ng pagbabadyet mo kung mananatiling tapat ka sa paggasta.
Tunay na pagbabago ang maidudulot ng programang Financial
Literacy dahil masisiguro na maayos ang pamamahala ng pera, hindi lamang sa
pamahalaan kundi sa tahanan. Balang araw ang pagbabagong ito ay magdudulot ng
kabutihan na puwedeng ipamana sa hinaharap na henerasyon.
Comments
Post a Comment