₴ 30 M to ₴ 167.3 M
Sweet Jenary Tacsagon, Ang Aplaya
Source by: Google |
Isa sa mga bagong labas na pelikula ngayong 2018 ang nagpayanig ng social media ay ang “Crazy Rich Asians” na umabot sa 781,000
tweets, halos sumabog ito sa dami ng tweets na mayroong 350, 000 sa unang
linggo ng palabas nito, na naging most-tweeted-movie sa buwan ng Agosto.
Ito ay pinagbibidahan nina Constance Wu bilang Rachel Wu at
Henry Golding bilang Nick Young. Nag umpisa ito sa masayang pag-iibigan ni Nick
at Rachel na isang economics professor sa New York Universsity. Humakot ng 90
percent ang rating nito sa Potten Tomato; isang sikat na rating website.
Ang Crazy Rich Assians ay isang romanc- comedy. Ihuhulog ka
ng pelikulang ito sa balon ng pagmamahal para sa mga romantic-comedy films.
Hindi man bago ang takbo ng istorya sa masa, gugulatin ka nito sa kung paano
tumakbo ang peikula. Nasa ₴ 30 million ang budget nito at kumita ng nasa ₴
167.3 million.
Hindi mawawala ang twist sa pagkatao ng mga bida, katulad sa
pagkatao ni Nick na isa ang pamilya niya sa mga pinakamayaman at misteryosong
pamilya sa buong Asya, ang iba ay bawal sabihin-spoiler alert!
Humakot ng libo-libong reviews ito sa internet at halos
kabaliwan ng mga Asiano. Ito ang ulit ay pelikulang pinalabas nng Warner Bros,
na halos puro asyano ang mga bida, matapos ng pelikulang “The Joy Luck Club” 25
taon ang nakalipas.
“Hindi mo ito maiintindihan kung hindi ka asiano.” Karamihan
sa mga sinasabi ng mga nakapanood. “Maiintindihan mo dito ang ang mga asiano.”
Ba’t ka pa naka-upo diyan? Manuod kana at mabaliw!
Comments
Post a Comment